CLINIC HOURS
Mon-Sat 8am–5pm | Sun 9am–12nn
8817 National Highway Batong Malake,
Los Baños, Laguna, Philippines 4030
Mon-Sat 8am–5pm | Sun 9am–12nn
Los Baños, Laguna, Philippines 4030
Kapag may nakita kang langgam sa ihi mo o ng iyong anak, natural na mag-alala ka. Iisipin mo agad, “May diabetes ba ako?” Totoo na ang pagkakaroon ng sobrang asukal sa katawan ay isang indikasyon ng diabetes, pero hindi ibig sabihin na ang langgam sa ihi ay tiyak na senyales na may diabetes ka na.
Bakit nga ba nilalanggam ang ihi?
Ang ating katawan ay natural na nagpo-produce ng asukal, na ginagamit bilang enerhiya. Ngunit kapag sobra-sobra ang asukal sa dugo, hindi na ito kayang kontrolin ng katawan at maaaring mailabas sa ihi. Dahil ang asukal ay matamis, naaakit ang mga langgam dito. Kaya kung may langgam na lumalapit sa ihi mo, ito ay maaaring senyales na mataas ang iyong blood sugar level.
Sagot ba ito na may diabetes na ako?
Hindi sa lahat ng oras. May mga pagkakataon na kahit hindi diabetic ang isang tao, maaaring mataas pa rin ang sugar level dahil sa ibang dahilan, gaya ng stress o pagkain ng maraming matatamis bago magpa-urinalysis. Kaya bago mag-panic, mainam na magpatingin sa doktor upang masuri nang mabuti.
Quote/Message/Comment mula sa Isang Doktor
Ayon kay Dra. Maria Katrina Palanginan, isang Endocrinologist para HealthServ Los Baños Medical Center, “hindi lahat ng ihi na nilalanggam automatic diabetes ka na, kasi may mga sakit or kondisyon na pwedeng magtapon ka ng asukal sa ihi.” Dagdag pa ni Dra, “kasi kapag ang kidneys natin na nareach na niya yung threshold niya para sa asukal syempre itatapon na nito ang excess. Hindi exclusive sa diabetes ang pagkakaroon ng asukal sa ihi.”
Ilang Pilipino ba ang may diabetes?
Sa ating bansa, ang diabetes ay isang seryosong problema. Ayon sa pinakahuling ulat, tinatayang nasa 6.3% ng mga Pilipino na may edad 20 pataas ang may diabetes. Ibig sabihin, nasa milyon-milyong tao ang apektado ng sakit na ito.
Paano ba malalaman kung may diabetes?
Kung napapansin mong mas madalas kang nauuhaw, mabilis mapagod, madalas umihi, o kaya’y may biglaang pagbabago sa timbang, maaaring sintomas na ito ng diabetes. Kasama rin sa mga senyales ang malabong paningin, sugat na matagal maghilom, at pangingimay ng mga kamay o paa.
Narito ang ilang pangunahing paraan para malaman kung ikaw ay may diabetes:
Ano ang panganib ng hindi nadidiskubreng diabetes?
Kapag ang diabetes ay hindi nasuri o naagapan, maaaring magdulot ito ng malubhang komplikasyon. Kabilang dito ang:
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?
Kapag nakaramdam ka na ng mga nabanggit na sintomas, huwag mag-atubiling magpakonsulta sa doktor. Mas maaga itong magagamot, mas mabuti para maiwasan ang mga komplikasyon.
Clinic: Mon-Sat (8am-5pm) | Sat-Sun (9am-12nn) Email: info@healthserv.com.ph | Contact Us
Copyright © 2024 - HealthServ Los Baños Medical Center. All Rights Reserved