CLINIC HOURS

Mon-Sat 8am–5pm | Sun 9am–12nn

8817 National Highway Batong Malake,

Los Baños, Laguna, Philippines 4030

Babala sa mga Residente ng Los Baños Tungkol sa Pagkalason sa Ammonia

Ang pinaghihinalaang pagtagas ng ammonia mula sa isang commercial ice plant sa Lopez Avenue, Los Baños, Laguna, ay nagdulot ng matinding pag-aalala sa mga residente. Noong umaga ng Hunyo 29, 2024, nag-ulat ang mga residente ng mga sintomas tulad ng pangangati ng mata (eye irritation), luha, pamumula ng mata at balat (redness of eyes and skin), at malabong paningin (blurred vision) dahil sa pagtagas ng ammonia. Ang mga opisyal ng Barangay Batong Malake ay agad na nakipag-ugnayan sa mga kaugnay na ahensya ng gobyerno upang tugunan ang problema. Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-unawa sa pagkalason sa ammonia, ang mga sintomas nito, at ang mga kailangang gawin sa panahon ng ganitong mga pangyayari.

Pag-unawa sa Pagkalason sa Ammonia
Ang ammonia ay isang walang kulay o colorless na gas na may matalas at nakakasulasok na amoy na lubhang nakakairita at nakakalason sa tao. Karaniwang ginagamit ito sa mga industrial and household products. Habang kapaki-pakinabang sa iba’t ibang aplikasyon, ang pagkalantad sa ammonia ay maaaring magdulot ng matinding komplikasyong pangkalusugan kapag nalanghap, nakain, o nadikit sa balat.

Mga Sintomas ng Pagkalason sa Ammonia
Ang pagkilala sa mga sintomas ng pagkalason sa ammonia ay mahalaga para sa agarang medikal na interbensyon. Narito ang mga pangunahing sintomas na dapat bantayan:

  1. Pangangati ng Mata o Eye Irritation: Ang exposure sa ammonia ay maaaring magdulot ng pamumula, luha, at pagkasunog ng mata. Ang matagalang pagkalantad ay maaaring magdulot ng malabong paningin (blurred vision).
  2. Mga Problema sa Paghinga o Respiratory Issues: Ang paglanghap ng ammonia ay maaaring makasira sa respiratory tract, na nagdudulot ng hirap sa paghinga, ubo, at pangangati ng lalamunan (throat irritation).
  3. Pangangati ng Balat o Skin Irritation: Ang direktang pagdikit sa ammonia ay maaaring magdulot ng pamumula, pangangati, at paltos sa balat.
  4. Problema sa Tiyan o Gastrointestinal Issues: Ang pag-inom ng ammonia ay maaaring magdulot ng pagduduwal (nausea), pagsusuka (vomiting), at pananakit ng tiyan (abdominal pain).

 

Agarang Mga Hakbang na Dapat Gawin

Kung ikaw o ang iyong kakilala ay nalantad sa ammonia, mahalagang kumilos agad at sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Lumikas sa Lugar o Evacuate the Area: Lumayo agad sa kontaminadong lugar. Siguraduhing hindi bababa sa 100 talampakan ang layo mula sa pinagmulan ng ammonia.
  2. Tanggalin ang Kontaminadong Damit o Remove Contaminated Clothing: Maingat na tanggalin ang anumang damit na nadikit sa ammonia. Ilagay ang damit sa isang selyadong plastik na bag upang maiwasan ang karagdagang kontaminasyon.
  3. Hugasan ang Apektadong Bahagi o Wash the Affected Area: Kung nadikit ang ammonia sa iyong balat, hugasan ang apektadong bahagi nang lubusan gamit ang sabon at tubig. Para sa mata, banlawan ng maraming tubig sa loob ng 15 minuto.
  4. Humingi ng Medikal na Atensyon o Seek Medical Attention: Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o pumunta sa pinakamalapit na emergency room para sa agarang medikal na tulong. Huwag mag-atubiling humingi ng propesyonal na tulong dahil ang pagkalason sa ammonia ay maaaring mabilis na lumala.

 

Mga Hakbang sa Pag-iwas o Preventive Measures

Upang mabawasan ang panganib ng pagkalason sa ammonia, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Tamang Pag-iimbak o Proper Storage: Itago ang ammonia at mga produktong may ammonia sa isang malamig, tuyong lugar na malayo sa mga bata at alagang hayop. Siguraduhing selyado nang mabuti ang mga lalagyan at malinaw na may label.
  2. Gumamit ng Proteksyon o Use Protective Gear: Kapag humahawak ng ammonia, palaging magsuot ng angkop na proteksyon tulad ng guwantes, goggles, at mask upang mabawasan ang panganib ng pagkalantad.
  3. Ventilasyon o Ventilation: Siguraduhing maayos ang bentilasyon sa mga lugar kung saan ginagamit ang ammonia. Buksan ang mga bintana at gamitin ang mga exhaust fan upang ikalat ang anumang usok.
  4. Basahin ang mga Label o Read the Labels: Palaging basahin at sundin ang mga tagubilin sa mga label ng produkto upang matiyak ang ligtas na paggamit.

Myths vs. Fact

May ilang mga mito tungkol sa pagkalantad sa ammonia at paggamot na maaaring magdulot ng hindi epektibo o mapanganib na mga gawain. Narito ang ilang karaniwang mito at ang mga katotohanan:

 

  • Myth: Ang pag-aaplay ng bawang, barya, o “bato” sa sugat ay mag-neutro sa ammonia.
    Fact: Ang mga pamamaraang ito ay hindi epektibo at maaaring magdulot ng karagdagang iritasyon. Mas mainam na banlawan ang apektadong bahagi ng tubig at humingi ng medikal na tulong.
  • Myth: Ang pagtatakip sa sugat ng bandages ay makakapigil sa pag-absorb ng ammonia.
    Fact: Iwasang takpan ang sugat ng dressing o bandage. Banlawan ang lugar at hayaan itong nakabukas sa hangin.
  • Myth: Ok lang hindi pansinin and mild exposure.
    Fact: Ang mild exposure ay maaaring lumala. Palaging seryosohin ang anumang potensyal na exposure at humingi ng payong medikal.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan

Sa kaganapan ng pagkalantad sa ammonia, ang mga residente ng Los Baños ay maaaring makipag-ugnayan sa HealthServ para sa agarang tulong at konsultasyon. Ang aming emergency department ay bukas 24/7 upang magbigay ng agarang pangangalaga.

 

  • 24/7 Emergency Department: (049) 536 4858 LOCAL 112
  • Emergency Cellphone Number: (0917) 301 6646
  • E-mail Address: info@healthserv.com.ph

Tandaan, ang agarang aksyon at tamang kaalaman ay maaaring magligtas ng buhay. Manatiling inform at handa upang protektahan ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay mula sa panganib ng pagkalason sa ammonia.