CLINIC HOURS

Mon-Sat 8am–5pm | Sun 9am–12nn

8817 National Highway Batong Malake,

Los Baños, Laguna, Philippines 4030

HealthServ Alert: How to Stay Safe During Volcanic Smog

Magandang HealthServ na araw sa ating mga kababayan!

Volcanic smog, o mas kilala bilang “vog,” ay isang mapanganib na halo ng sulfur dioxide (SO₂) at maliliit na partikulo na nagmumula sa mga bulkan. Kapag ito’y nalanghap, maaari itong magdulot ng mga seryosong problema sa kalusugan, lalo na para sa mga may existing na kondisyon sa baga tulad ng asthma o COPD.

Paano Protektahan ang Sarili Laban sa Vog:

  1. Manatili sa Loob ng Bahay: Iwasan ang pagbukas ng mga bintana at pinto upang mapigilan ang pagpasok ng vog.
  2. Magsuot ng Mask: Gumamit ng N95 mask kapag kinakailangang lumabas.
  3. Iwasan ang Pisikal na Aktibidad sa Labas: Mag-ehersisyo na lamang sa loob ng bahay upang maiwasan ang direktang exposure.
  4. Gumamit ng Air Purifier: Makakatulong ito na tanggalin ang mga harmful particles sa hangin sa loob ng inyong bahay.

 

Mga Sintomas na Bantayan:

  • Hirap sa Paghinga
  • Matinding Ubo
  • Pangangati ng Lalamunan
  • Pangangati ng Mata
  • Paninikip ng Dibdib

Kung makaranas ng alinman sa mga ito, lalo na kung ang mga sintomas ay tumatagal ng higit sa 24 oras, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor. Sa mga may matinding sintomas tulad ng hirap sa paghinga o pananakit ng dibdib, mangyaring agad na pumunta sa HealthServ para sa agarang atensyong medikal.

Kailan Dapat Magpatingin sa Ospital:

Mahalaga ang mabilis na aksyon. Kung makaranas ng severe difficulty breathing o chest pain, magtungo agad sa HealthServ Emergency Room. Narito ang aming mga eksperto upang matiyak ang inyong kaligtasan.

Para makausap ang aming 24/7 Ambulance and Emergency Assistance, tumawag lamang sa +63 49 536 4858 loc. 112 o kaya sa (0917) 301 6646.

Stay safe and healthy, mga ka-HealthServ!

#HealthServCares #HealthAlert #VogSafety #LungHealth #HealthServ