CLINIC HOURS

Mon-Sat 8am–5pm | Sun 9am–12nn

8817 National Highway Batong Malake,

Los Baños, Laguna, Philippines 4030

Pagbabalik-Tanaw: FREE Lay Forum on Prostate Cancer Awareness

Bilang pagdiriwang ng Araw ng mga Ama 2024, last June 11, 2024 ay nagsagawa ang HealthServ Los Baños Medical Center ng Lay Forum tungkol sa Prostate Cancer Awareness. Ang event na ito ay inorganisa ng Medical Affairs, Surgery, at Anesthesiology Departments at si Dr. Achilles Sta. Cruz, isang espesyalista sa Urology, ang nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa prostate cancer.

Mahahalagang Punto:

  • Statistika ng Prostate Cancer: Ito ay ikatlong pangunahing sanhi ng pagkamatay dahil sa kanser sa Pilipinas.
  • Panganib Ayon sa Edad: Ang mga lalaking may edad 40-50 ay may 2% tsansa, 50-80 ay may 30% tsansa, at 80 pataas ay may 60-70% tsansa na magkaroon ng prostate cancer.
  • Mga Tsansa ng Kaligtasan: Kung maagang matutuklasan at hindi kumalat, ang 5-taon na survival rate ay 100%, at ang 10-taon na survival rate ay 98%. Kung kumalat na, bumababa ang 5-taon na survival rate sa 30%
  • Mga Dapat Iwasan: Iwasan ang paninigarilyo, pritong/grilled na pagkain, labis na pag-inom ng alak, labis na katabaan, processed meat, at high-fat diets.

Kahalagahan ng Screening:

Mahalaga ang maagang pagtuklas at regular na screening para sa mas mataas na tsansa ng kaligtasan.

Para sa mga hindi nakadalo, mapapanood ang replay dito: [Lay Forum Replay](https://www.facebook.com/HSLBMC/videos/1259660564995482).

Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa prostate cancer at sa pagbigay-pugay sa ating mga ama. Manatiling informed at proactive para sa inyong kalusugan!

Para suportahan ang ating komyunidad, mayroong bagong KUB-P Ultrasound with Uroflowmetry Package and HealthServ. Kung nais nyo pong magpa-check up para po maiwasan ang Prostate Cancer, mag-book na po kayo!

Para sa karagdagang kaalaman, tumawag lamang sa (049) 536-4858 loc. 111 o kaya sa 0917-508-1297, o kaya mag email po sa info@healthserv.com.ph.